DAHIL SA OIL PRICE HIKE, ISDA SA ROMBLON ITINAAS ANG PRESYO

Posible na ang pagtaas ng presyo ng isda sa Romblon makaraang aprubahan ng sangguniang bayan ang petisyon ng mga maliliit na mangingisda at mga manininda ng isda. Ito'y kaugnay sa kanilang hiling na taasan ang presyo ng isda sa pamilihan. Ang naturang apela ay kasunod ng pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina na karaniwang ginagamit ng mga mangingisda sa paghahanapbuhay. Agad namang ipatutupad ng market administrator ang panibagong presyo ng isda sa oras na mabigyan na sila ng kopya ng nabanggit na ordinansa.

read more

GRACE LEE INAMING LUMALABAS SILA NI P-NOY FOR A DATE

Kinumpirma ngayon ng Korean TV personality at radio DJ na si Grace Lee na nagde-date nga sila ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Batay sa napabalita mula sa mga social networking sites, inamin ni Grace na lumalabas nga sila ng pangulo. Una rito, napansin ni P-Noy ang TV host noong nakaraang taon sa isinagawang inauguration ng power plant sa Cebu City nang nag-host si Lee sa naturang event.

read more

3 GUSALI GUMUHA NG SABAY-SABAY SA BRAZIL, 11 PATAY

Nasawi ang 11 katao sa Rio De Janeiro, Brazil habang anim naman ang sugatan matapos gumuho ang tatlong gusali sa naturang lugar. Ayon sa tanggapan ng alkalde ng nasabing lungsod, unang bumagsak ang isang multi-level bulding bago gumuho ang dalawa pang mas maliit na building malapit dito. Sa ngayon, tuloy pa rin ang isinasagawang rescue operations upang mahagilap ang 21 pang nawawala. Gayunpaman, hindi pa rin malaman ng mga otoridad ang sanhi ng pagguho.

read more

SUSUNOD NA LABAN NI PACMAN HINAHANAP PA

Pa-plantsahin ng Canadian adviser ni 8-division world champion Manny Pacquiao na si Michael Koncz ang susunod na laban nito. Nakatakda na umanong magtungo si Koncz sa Pilipinas ngayong weekend kaugnay sa usaping ito. Inamin naman ni Top Rank Promoter Bob Arum na sila ay nagkukumahog nang makahanap ng makakalaban ang pinoy champ matapos kinumpirmang malabo ang face off nito kay Mayweather at rematch laban kay Cotto. Sa ngayon, nangunguna sa listahan ng promoter si WBA light welterweight champion Timothy Bradley sa mga makakalaban ni Pacman.

read more

ASO NAGING BAYANI LABAN SA ISANG MAKAMANDAG NA AHAS

Tinawag na “hero” ang isang aso sa Australia na nagligtas sa buhay ng dalawang bata mula sa makamandag na ahas. Pinangalanang River ang 18-month-old na aso na dumepensa kina Michelle Lynch, 7 at Kaylee, 2 mula sa two-foot-long brown snake na aatake na sana sa dalawa. Natuklaw ng ahas si River dahilan para maparalisa ito makalipas ang ilang oras. Agad dinala ng pamilyang Lynch ang dakilang aso sa beterinaryo upang ipagamot at paturukan ng anti-venom. Nabatid na ang nasabing brown snake ay pumapangalawa sa pinakamakamandag na ahas na agad nakamamatay.

read more

About Us

Thursday, 15 April 2010 - Posted by admin in .

About DZAR 1026 Sonshine Radio

Sonshine Radio addresses the basic concerns of everyday life. It’s goal is to serve the Filipino people with direct public services.

Sonshine Radio’s veteran and professional anchors carry live on-air discussions on a wide range of topics from news and current affairs to health care, employment, housing and the consumer market to the latest sport news. Plus the Word of God brought to you by the revolutionary preacher, Pastor Apollo C. Quiboloy.

read more

Contact Us

Thursday, 25 November 2010 - Posted by admin in .

For more information, please contact us.

For more information, please contact: Sales and Marketing Department +63(2) 453-0531 and +63(2) 683-0772, Telefax: +63(2) 683-0775 and 453-0589

read more