“Hostage-taking incident” sa bahagi ng Luneta sa Lungsod ng Maynila… gumulantang sa buong bansa

Tuesday, 24 August 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Nagulantang ang buong bansa sa isang “hostage-taking incident” sa bahagi ng Quirino Grandstand sa Luneta,  Lungsod ng Maynila.

Ito ay matapos i-hostage ni Dating Manila Police District Senior Inspector Rolando Mendoza ang “Hong-Thai Tourist Bus” na may sakay na tinatayang 25 Hong Kong Nationals at tatlong Pilipino.

Pinakilos naman agad ng Philippine National Police ang kanilang mga negosyador para resolbahin ang insidente.

Batay sa apela ni Mendoza, nais niyang ma-dismiss ang kinakaharap niyang patung-patong na kaso, at muling maibalik ang kanyang mga benepisyo bilang dating kasapi ng pambansang pulisya.

More News: