“INDEPENDENCE” NI INCOMING PRESIDENT NOYNOY AQUINO SA PAGDEDESISYON

Wednesday, 23 June 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Magiging malaking “test case” umano sa “decision making” ni incoming President Noynoy Aquino ang sinasabing pang-iimpluwensya kundi man direktang pakiki-alam ng kapatid nitong si kris aquino sa mga usaping pampulitika.

Ito ang inihayag ng political analyst na si professor benito lim, sa gitna ng panibagong isyu laban kay Kris Aquino partikular ang pag-endorso nito ng magiging senate president.

Una nang lumutang ang tensyon sa pagitan ni Miss Aquino at ilang myembro ng liberal party matapos lumabas ang ulat na ine-endorso nito para maging senate president si Senator Kiko Pangilinan.

Hindi umano maiiwasan ang naturang tensyon lalunat isa ring lider ng liberal party, sa katauhan ni Senator Franklin Drilon, ang naghahangad ding maging pinuno ng senado.

Hindi umano maituturing na pagganti kay President-Elect Benigno Aquino III ang kautusan ni Chief Justice Renato Corona na i-review ang labor dispute sa Hacienda Luisita.

Ito ang iginiit ni Senate Minority Floor Leader Aquilino Pimentel Jr.

Ayon sa senador, bahagi lang naman ito ng “judicial process” upang mabatid ang status ng kaso na iniharap ng union ng mga mangagawa sa agrikultura at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) laban sa pamunuan ng Hacienda Luisita.

Maging si senate Committee on Justice and Human Rights Chairman Chiz Escudero ay nagsabing ginagawa lang ni corona ang kanyang trabaho na aksyunan ang mga petisyon sa kataas-taasang hukuman.

Iginiit ni Senate Minority Floor Leader Aquilino Pimentel Jr. Na mali ang pahayag ng Department of Education (DepEd) na ang korte lang ang makapagpapahinto sa plano nitong ituro ang sex education sa mga pampublikong paaralan.

Ayon sa senador, “arrogance of power” o pagmamataas ng kapangyarihan ang argumento ng deped dahil nasa proseso pa ng dayalogo ang naturang hakbang.

Hindi rin aniya dapat ipilit ng departamento ang pagtuturo ng sex education dahil wala pa namang official policy ukol dito na nakabatay sa konstitusyon.

Dagdag ni Pimentel, ang ginagawa ng deped ay mistulang pangunguna sa trabaho ng kongreso hinggil sa mga batas at polisiyang ipatutupad sa bansa.

More News: