
Binago muli ng Commission on Elections ang petsa sa pagpapatala ng mga botante para sa Barangay Elections sa Oktubre 25.
Mula sa dating Agosto 1 hanggang 10 ay gagawin ang registration sa Agosto 4 hanggang 13, habang mananatili naman ang registration period para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Agosto 6 hanggang 15.
Kinakailangang i-reset ang registration [...]
July 29, 2010 | Posted in
Mga Balita |
Read More »

Muling nagpatupad ng panibagong dagdag—presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa pangunguna ng big three.
Pawang nagdagdag ang Chevron at Petron ng 50 sentimos kada litro sa kanilang regular gasoline, diesel at kerosene at 25 sentimos naman kada litro sa premium gasoline.
Gayundin ang independent oil player na Seaoil na nagpatupad din ng kahalintulad na dagdag presyo.
Ayon kay Chevron Communications Manager [...]
July 29, 2010 | Posted in
Mga Balita |
Read More »

Ipinaubaya ni house Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte sa miyembro ng oposisyon ang pagiging Chairman ng Ethics Committee.
Ayon kay Belmonte, may 80 porsiyento nang napupunuan ng chairman ang mga komite sa kongreso at maaari na itong makumpleto sa susunod na linggo.
Malaki ang posibilidad na si Siquijor Rep. Orlando Fua ng LAKAS-KAMPI-CMD ang maging chairman ng ethics [...]
July 29, 2010 | Posted in
Mga Balita |
Read More »

Isang oil tanker na may sakay na 31 crew kabilang na ang 16 na tripulanteng pinoy ang pinasabog ng mga pirata habang naglalayag sa karagatan ng Oman.
Ayon sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs, nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga tripulanteng Pinoy at kasamahang 15 Indian crew nang atakehin ang sinasakyang [...]
July 29, 2010 | Posted in
Mga Balita |
Read More »

Nakatakdang busisiin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang umano’y sobrang laking bonus ng mga board member ng ahensiya.
Sinabi ni MWSS Head Macra Cruz, na pag-uusapan ng mga opisyales ng MWSS sa araw na ito ang tungkol sa bonuses matapos puntiryahin ang ahensiya ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang State Of The Nation Address [...]
July 29, 2010 | Posted in
Mga Balita |
Read More »

Posibleng bawiin ng Malacañang ang 108 milyong pisong Calamity Fund na inilaan sa Ikalawang Distrito ng Pampanga kung mapapatunayang ginamit ito para sa eleksyon.
Sinabi ni Buget Secretary Florencio “Butch” Abad, na aalamin nila kung magkano ang halagang ‘obligated’ na o natapos na ang bidding process para sa kontrata.
Ayon pa kay Abad, sakaling mapatunayang ginamit ito [...]
July 29, 2010 | Posted in
Mga Balita |
Read More »

Pabor si Senador Jose “Jinggoy” Estrada na ipamigay na sa mga mahihirap ang mga sobra-sobrang bigas na nasa National Food Authority (NFA) upang hindi mabulok.
Naniniwala si Estrada na marami ang makikinabang sa mga sinasabing sobrang bigas na ang iba ay nabubulok na.
Iginiit pa ni Estrada na dapat nang magbuo ng programa ang gobyerno kung paano [...]
July 29, 2010 | Posted in
Mga Balita |
Read More »

Absent pa rin si Senador Miriam Defensor-Santiago sa ikatlong araw ng regular na sesyon ng 15th Congress.
Ito’y sa dahilang may sakit pa rin si Santiago at pinayuhan na ng kaniyang mga doktor na mag-ingat upang hindi lumubha ang kaniyang karamdaman.
Sa sulat na ipinadala ni Santiago kay Senate President Juan Ponce Enrile, sinabi nito na hindi [...]
July 29, 2010 | Posted in
Mga Balita |
Read More »

Malabo pang makalaya si Senador Antonio Trillanes IV na nahaharap sa kasong kudeta dahil sa bigong pagpapabagsak sa Administrasyong Arroyo.
Ito ang ipinahiwatig ni AFP Spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta kasunod ng pagpapalaya kay Marine Col. Ariel Querubin sa detention cell nito sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
Ipinunto ni Mabanta na non-bailable [...]
July 29, 2010 | Posted in
Mga Balita |
Read More »

Kinatigan ng court of appeals sa dubai ang hatol na sampung taong pagkakabilanggo laban sa dalawang bangladeshi bunsod ng pagdukot sa dalawang pinay para isadlak sa prostitusyon.
Kaugnay nito, sinang-ayunan din ng korte sa pangunguna ni Judge Ahmed Mohammed Eissa ang deportation order laban sa dalawang Bangladeshi defendant.
Nauna ng hinatulan ng Court of First Instance ang [...]
July 29, 2010 | Posted in
Mga Balita |
Read More »