Calamity Fund na inilaan sa Ikalawang Distrito ng Pampanga posibleng bawiin ng Malacañang
Posibleng bawiin ng Malacañang ang 108 milyong pisong Calamity Fund na inilaan sa Ikalawang Distrito ng Pampanga kung mapapatunayang ginamit ito para sa eleksyon. Sinabi ni Buget Secretary Florencio “Butch” Abad, na aalamin nila kung magkano ang halagang ‘obligated’ na o natapos na ang bidding process para sa kontrata. Ayon pa kay Abad, sakaling mapatunayang ginamit ito sa halalan at nagkaroon ng iregularidad ay puwedeng bawiin ang pondo na nasa kamay pa ng DPWH-Pampanga. Magugunitang ibinunyag ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA na...
read morePamamahagi sa mga mahihirap ng mga sobra-sobrang bigas na nasa NFA pinaboran ni Senador Jose “Jinggoy” Estrada
Pabor si Senador Jose “Jinggoy” Estrada na ipamigay na sa mga mahihirap ang mga sobra-sobrang bigas na nasa National Food Authority (NFA) upang hindi mabulok. Naniniwala si Estrada na marami ang makikinabang sa mga sinasabing sobrang bigas na ang iba ay nabubulok na. Iginiit pa ni Estrada na dapat nang magbuo ng programa ang gobyerno kung paano ipamamahagi ang bigas lalo na sa mga pinakamahihirap na probinsiya ng bansa. Hindi aniya ilegal kung ipapamahagi ang bigas sa mga mahihirap dahil nabili na naman ito ng gobyerno at pera ng...
read moreSenador Miriam Defensor-Santiago absent pa rin sa regular na sesyon ng 15th Congress
Absent pa rin si Senador Miriam Defensor-Santiago sa ikatlong araw ng regular na sesyon ng 15th Congress. Ito’y sa dahilang may sakit pa rin si Santiago at pinayuhan na ng kaniyang mga doktor na mag-ingat upang hindi lumubha ang kaniyang karamdaman. Sa sulat na ipinadala ni Santiago kay Senate President Juan Ponce Enrile, sinabi nito na hindi pa niya sigurado kung kailan makakadalo ng sesyon at hihintayin pa ang susunod na medical advice. Lumalabas aniya na ang kaniyang nararanasang chronic fatigue ay posibleng may kaugnayan sa isang...
read moreSenador Antonio Trillanes IV malabo pang makalaya
Malabo pang makalaya si Senador Antonio Trillanes IV na nahaharap sa kasong kudeta dahil sa bigong pagpapabagsak sa Administrasyong Arroyo. Ito ang ipinahiwatig ni AFP Spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta kasunod ng pagpapalaya kay Marine Col. Ariel Querubin sa detention cell nito sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP). Ipinunto ni Mabanta na non-bailable ang kasong kinakaharap ni Trillanes sa Makati RTC at mas mabigat ang pagkakasalang nagawa nito na isang kasong kriminal. Isa si Trillanes sa mga hardcore na...
read moreDalawang Bangladeshi kinatigan ng Court of Appeals sa Dubai
Kinatigan ng court of appeals sa dubai ang hatol na sampung taong pagkakabilanggo laban sa dalawang bangladeshi bunsod ng pagdukot sa dalawang pinay para isadlak sa prostitusyon. Kaugnay nito, sinang-ayunan din ng korte sa pangunguna ni Judge Ahmed Mohammed Eissa ang deportation order laban sa dalawang Bangladeshi defendant. Nauna ng hinatulan ng Court of First Instance ang dalawa ng sampung-taong pagkakakulong matapos mapatunayang nagkasala sa krimen. Ipinag-utos din ang pagpapatapon sa dalawang Bangladeshi palabas ng U-A-E.
read more
Recently Commented