Walang tiwala sa “grievance system” Armed Forces of the Philippines
Wala na umanong tiwala sa “grievance system” ng Armed Forces of the Philippines ang nasibak na si “AFP National Capital Region Command (NCRCOM) Chief Rear Admiral Feliciano Angue.” Ito ang tugon ni Angue sa panawagan ng liderato ng AFP na idaaan sa tamang proseso at forum ang paghahayag niya ng kaniyang mga setimyento. Una nang isiniwalat ni Angue sa media ang kanyang pagkondena sa paglipat sa kanya sa Naval Forces Western Mindanao Command na aniya’y isang malaking demosyon sa kanya. Dagdag ni Angue, nagdesisyon siyang lumapit sa...
read more250 percent increase sa toll fee sa SLEX patuloy na haharangin
Patuloy umanong haharangin ng ilang mambabatas ang nakatakdang “250-percent increase” sa toll fee sa South Luzon Expressway (SLEX). Ito ang idineklara ni Quezon Province Congressman Danilo Suarez. Ayon kay Suarez, hindi makatarungan ang gagawing toll fee increase. Ang pwede aniyang gawin ng pamahalaan ay babaan ang “basic toll” upang mapababa rin ang sisingiling buwis sa mga motorista.
read moreApat na mahistrado ng Sandiganbayan ang pinagpipilian
Apat na mahistrado ng Sandiganbayan ang pinagpipilian para maging susunod na “presiding justice” ng naturang “anti-graft court.” Ang mga ito ay sina Associate Justices Efren Dela Cruz, Gregory Ong, Francisco Villaruz At Edilberto Sandoval. Si Sandoval ang tumatayong kasalukuyang “acting presiding justice” ng sandiganbayan, matapos pumanaw noong buwan ng Abril si dating Presiding Justice Norberto Geraldez dahil sa sakit na cancer. Sa ginawang botohan ng Judicial and Bar Council (JBC) ay nakakuha sina Sandoval at Villaruz ng...
read morePaghahanap sa dinukot na “Filipino-Chinese Businessman” sa Cotabato City pinaigting
Pinaigting ng “task force tugis” ng militar at pulisya sa Cotabato City ang paghahanap sa dinukot na “Filipino-Chinese Businessman” sa nasabing lungsod. Ang biktima ay nakilalang si Nelson Tay, may-ari ng isang tindahan ng “foam” sa bahagi ng Don Rufino Alonzo Street sa nasabing lugar. Base sa imbestigasyon, dinukot ng dalawang kalalakihan ang negosyante at sapilitang isinakay sa isang “get-away vehicle.” Aminado ang mga otoridad na hindi pa rin nila natutukoy ang grupong nasa likod ng pagdukot sa nasabing negosyante.
read morePitong katao ang nasawi habang isa naman ang kritikal matapos makuryente
Pitong katao ang nasawi habang isa naman ang kritikal matapos silang makuryente habang gumagawa ng “septic tank” o poso negro sa Sorsogon City. Nakilala ang mga nasawi na sina Benito Jintalan, Arnel Janaban, Gilbert Janaban, Leopoldo Roldan, Neptali Roldan, Jose Macapagal, at Ronald Macapagal. Ang insidente ay naganap sa Sitio Kimontod, Barangay Guinlajon, sa nasabing lungsod. Base sa imbestigasyon, sumayad sa tubig ang kawad ng ilaw na ginagamit ng mga biktima na nagresulta sa kanilang pagkaka-kuryente.
read more
Recently Commented