Apat na mahistrado ng Sandiganbayan ang pinagpipilian

Tuesday, 17 August 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Apat na mahistrado ng Sandiganbayan ang pinagpipilian para maging susunod na “presiding justice” ng naturang “anti-graft court.”

Ang mga ito ay sina Associate Justices Efren Dela Cruz, Gregory Ong, Francisco Villaruz At Edilberto Sandoval.

Si Sandoval ang tumatayong kasalukuyang “acting presiding justice” ng sandiganbayan, matapos pumanaw noong buwan ng Abril si dating Presiding Justice Norberto Geraldez dahil sa sakit na cancer.

Sa ginawang botohan ng Judicial and Bar Council (JBC) ay nakakuha sina Sandoval at Villaruz ng tig-pitong boto, habang tig-anim na boto naman ang nakuha nina Ong at dela Cruz.

More News: