ASO NAGING BAYANI LABAN SA ISANG MAKAMANDAG NA AHAS

Friday, 27 January 2012 - Posted by dzar in Mga Balita.

Tinawag na “hero” ang isang aso sa Australia na nagligtas sa buhay ng dalawang bata mula sa makamandag na ahas.
 
Pinangalanang River ang 18-month-old na aso na dumepensa kina Michelle Lynch, 7 at Kaylee, 2 mula sa two-foot-long brown snake na aatake na sana sa dalawa.
 
Natuklaw ng ahas si River dahilan para maparalisa ito makalipas ang ilang oras.
 
Agad dinala ng pamilyang Lynch ang dakilang aso sa beterinaryo upang ipagamot at paturukan ng anti-venom.
 
Nabatid na ang nasabing brown snake ay pumapangalawa sa pinakamakamandag na ahas na agad nakamamatay.
 

 

More News:

Leave a Reply

*

Spam Protection by WP-SpamFree