Inihahanda na ng Dept of Trade and Industry ang kasong Profiteering laban sa mga Flour Miller na hindi pa rin nagbaba ng presyo ng harina sa merkado

Ang naturang hakbang ay gagawin ng DTI matapos matuklasan na iniipit pa ng ilang Flour Miller ang mababang presyo ng harina kaya hindi maibaba ng mga panadero ang presyo ng tinapay. Una nang sinabi ni Ric Pinca, ng Philippine Flour Millers na nagrolbak na sila ng P200 sa presyo ng harina kaya dapat ding bumaba ang presyo ng tinapay. Iginiit naman ng ilang consumer sa DTI na gawing seryoso ang kanilang trabaho at ipakulong ang mga tiwaling  negosyante sa bansa.

read more

Ipinatawag ng Dept. Of Agriculture ang mga magsasaka sa huwebes.

Layunin nitong malaman kung totoo bang kapos ang supply ng asukal sa bansa. Ayon kay Agriculture Secretary Proseso Alcala,mas mabuting makausap nila ang mga magsasaka para maging bahagi sila sa paghahanap ng solusyon sa problema. Sa kabila nito, tiniyak ni Alcala na hindi tataas ng Php70 ang isang kilo ng asukal dahil marami pang asukal sa merkado. Kakausapin din ng D-A ang Dept. Of Finance para ipanukala na tanggalin na ang taripa sa mga sugar millers at manatili sa Php52 ang kada kilo ng asukal.

read more

Lumusob sa Mendiola, Maynila ang mga militanteng grupo

Alas onse ng umaga ng magmartsa patungong Mendiola ang ibat-ibang grupo para manawagan sa bagong administrasyon na bigyan ng agarang hustisya ang bagong kaso ng pagpatay sa isang miyembro ng militanteng grupo sa Aklan. Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes , kailangang mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Bayan Muna Coordinator Fernando Baldomero . Si Baldomero ang kauna-unahang militante na napatay sa ilalim ng Aquino Administration.

read more

DZAR Website

DZAR 1026′s website will be finished soon. So, watch out for it! Sorry for inconvenience.

read more

Sonshine TV-Radyo

Sonshine TV-Radyo

Watch a Live video streaming of DZAR 1026 Sonshine Radio

read more