WALANG COURT HOLIDAY – SC

Tiniyak ng Supreme Court (SC) na walang court holiday sa araw ng pagharap ni Chief Justice Renato Corona sa impeachment court, sa Martes, Mayo 22. Ayon kay Supreme Court Administrator Midas Marquez, libre ang sinumang empleyado ng Supreme Court na magpakita ng suporta sa punong mahistrado subalit, kailangan nilang mag file ng leave kung liliban sa trabaho. Una nang lumabas ang balitang pinag-aaralan ng SC employees ang paglulunsad ng court holiday bilang pagpapakita ng suporta sa punong...

read more

INFO DRIVE SA PAMAMAHAGI NG LUPA NG HLI , SINIMULAN NA

Sinimulan na ng Department Of Agrarian Reform (DAR) ang information campaign sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita matapos ipag-utos ng korte suprema na ipamahagi na ang mga ito. Personal na ipinaliwanag ng mga opisyal ng DAR Central Office at Region III sa tatlong barangay na sakop ng hacienda ang prosesong gagawin para maging kwalipikado sa lupaing ipamamahagi. Bukod sa mga babasahin, tatanggap ng number ticket ang mga magsasaka kung saan nakapaloob dito ang araw at lugar ng kanilang...

read more

TRADER AT BROKER, KINASUHAN NA NG BOC NG SMUGGLING

Sinampahan ng Bureau Of Customs (BOC) ng kasong smuggling sa Department Of Justice ang isang trader at broker na nagpuslit ng P40 milyong halaga ng firecrackers, noong nakaraang taon.  Kabilang sa kinasuhan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sina Wilfredo Ong Labus, may-ari ng Grinderstone International Trading at Customs Broker na si Paul Noriel Alcantara.  Nobyembre nitong nakaraang taon nasabat ang mga paputok lulan ng 4 na 20-footer container vans sa Manila Int’l Container...

read more

2 PHILIPPINE ENVOYS, OKS SA CHINA

Welcome sa Chinese Government ang dalawang bagong special envoys na itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino para sa China.  Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Hong Lei, umaasa rin sila na makakatulong ang veteran banker na si Cesar Zalamea at Philippine-Chinese business leader Domingo Lee, para mahanapan ng solusyon ang namamagitang standoff sa Scarborough Shoal.  Si Lee ay itinalaga bilang special envoy to China habang special envoy to China on investments naman si...

read more

ANTAYIN NA LAMANG ANG PAGTESTIGO NI CORONA – MALACAÑANG

Ayaw nang patulan ng Malacañang ang espekulasyong pera ni Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nasa dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.  Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mabuting hintayin na lamang ang pagtestigo ni Corona, sa araw ng Martes.  Kung saan, dapat umanong linawin nito ang nasabing dollar account at ipaliwanag kung bakit hindi ito nakalagay sa kanyang Statement Of Assets, Liabilities And Net Worth...

read more