Calamity Fund na inilaan sa Ikalawang Distrito ng Pampanga posibleng bawiin ng Malacañang

Thursday, 29 July 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Posibleng bawiin ng Malacañang ang 108 milyong pisong Calamity Fund na inilaan sa Ikalawang Distrito ng Pampanga kung mapapatunayang ginamit ito para sa eleksyon.

Sinabi ni Buget Secretary Florencio “Butch” Abad, na aalamin nila kung magkano ang halagang ‘obligated’ na o natapos na ang bidding process para sa kontrata.

Ayon pa kay Abad, sakaling mapatunayang ginamit ito sa halalan at nagkaroon ng iregularidad ay puwedeng bawiin ang pondo na nasa kamay pa ng DPWH-Pampanga.

Magugunitang ibinunyag ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA na halos naubos na ang dalawang bilyong pisong Calamity Fund para sa taong ito kung saan  umabot sa 108 milyong piso ang nakuha ng Pampanga.

More News: