Archive for the Category ‘Mga Balita’

“Hostage-taking incident” sa bahagi ng Luneta sa Lungsod ng Maynila… gumulantang sa buong bansa

“Hostage-taking incident” sa bahagi ng Luneta sa Lungsod ng Maynila… gumulantang sa buong bansa

Nagulantang ang buong bansa sa isang “hostage-taking incident” sa bahagi ng Quirino Grandstand sa Luneta,  Lungsod ng Maynila.
Ito ay matapos i-hostage ni Dating Manila Police District Senior Inspector Rolando Mendoza ang “Hong-Thai Tourist Bus” na may sakay na tinatayang 25 Hong Kong Nationals at tatlong Pilipino.
Pinakilos naman agad ng Philippine National Police ang kanilang mga [...]

Isyu sa pagsibak kay Chief Rear Admiral Feliciano Angue binabantayan ng Senado

Isyu sa pagsibak kay Chief Rear Admiral Feliciano Angue binabantayan ng Senado

Nakabantay ang Senado sa isyu ng pagsibak kay “AFP National Capital Region Command (NCRCOM) Chief Rear Admiral Feliciano Angue” na umalma matapos siyang ilipat sa Naval Forces Western Mindanao Command.
Ito ang sinabi ni Senator Chiz Escudero, chairman ng “National Defense and Security Committee” ng Mataas na Kapulungan.
Nilinaw naman ng Senador na ipinauubaya na nila sa [...]

Walang isyung pulitikal

Walang isyung pulitikal

Wala umanong isyu ng pulitika sa ginawang pagsibak kay “AFP National Capital Region Command (NCRCOM) Chief Rear Admiral Feliciano Angue.”
Ito ang iginiit ni AFP Chief of Staff Gen. Ricardo David kaugnay ng naging pagbatikos ni Angue matapos siyang ilipat ng pwesto mula sa NCRCOM patungo sa Naval Forces Western Mindanao Command.
Ayon kay David, hindi totoo [...]

Walang tiwala sa “grievance system” Armed Forces of the Philippines

Walang tiwala sa “grievance system” Armed Forces of the Philippines

Wala na umanong tiwala sa “grievance system” ng Armed Forces of the Philippines ang nasibak na si “AFP National Capital Region Command (NCRCOM) Chief Rear Admiral Feliciano Angue.”
Ito ang tugon ni Angue sa panawagan ng liderato ng AFP na idaaan sa tamang proseso at forum ang paghahayag niya ng kaniyang mga setimyento.
Una nang isiniwalat ni [...]

250 percent increase sa toll fee sa SLEX patuloy na haharangin

250 percent increase sa toll fee sa SLEX patuloy na haharangin

Patuloy umanong haharangin ng ilang mambabatas ang nakatakdang “250-percent increase” sa toll fee sa South Luzon Expressway (SLEX).
Ito ang idineklara ni Quezon Province Congressman Danilo Suarez.
Ayon kay Suarez, hindi makatarungan ang gagawing toll fee increase.
Ang pwede aniyang gawin ng pamahalaan ay babaan ang “basic toll” upang mapababa rin ang sisingiling buwis sa mga motorista.

Apat na mahistrado ng Sandiganbayan ang pinagpipilian

Apat na mahistrado ng Sandiganbayan ang pinagpipilian

Apat na mahistrado ng Sandiganbayan ang pinagpipilian para maging susunod na “presiding justice” ng naturang “anti-graft court.”
Ang mga ito ay sina Associate Justices Efren Dela Cruz, Gregory Ong, Francisco Villaruz At Edilberto Sandoval.
Si Sandoval ang tumatayong kasalukuyang “acting presiding justice” ng sandiganbayan, matapos pumanaw noong buwan ng Abril si dating Presiding Justice Norberto Geraldez dahil [...]

Paghahanap sa dinukot na “Filipino-Chinese Businessman” sa Cotabato City pinaigting

Paghahanap sa dinukot na “Filipino-Chinese Businessman” sa Cotabato City pinaigting

Pinaigting ng “task force tugis” ng militar at pulisya sa Cotabato City ang paghahanap sa dinukot na “Filipino-Chinese Businessman” sa nasabing lungsod.
Ang biktima ay nakilalang si Nelson Tay, may-ari ng isang tindahan ng “foam” sa bahagi ng Don Rufino Alonzo Street sa nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon, dinukot ng dalawang kalalakihan ang negosyante at sapilitang isinakay [...]

Pitong katao ang nasawi habang isa naman ang kritikal matapos makuryente

Pitong katao ang nasawi habang isa naman ang kritikal matapos makuryente

Pitong katao ang nasawi habang isa naman ang kritikal matapos silang makuryente habang gumagawa ng “septic tank” o poso negro sa Sorsogon City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Benito Jintalan, Arnel Janaban, Gilbert Janaban, Leopoldo Roldan, Neptali Roldan,  Jose Macapagal, at Ronald Macapagal.
Ang insidente ay naganap sa Sitio Kimontod, Barangay Guinlajon, sa nasabing lungsod.
Base sa [...]

Chairman Jesus Dureza mananatili pa sa pwesto

Chairman Jesus Dureza mananatili pa sa pwesto

Mananatili pa sa pwesto si Mindanao Development Authority (MINDA) Chairman Jesus Dureza at tatapusin nito ang anim na taong mandato alinsunod sa republic act no. 9996.
Una nang inihayag ni Dureza na handa itong magbitiw sa posisyon upang bigyang-laya si Pangulong Noynoy Aquino III ng magiging kapalit niya sa posisyon.
Pero nagdesisyon si Dureza na manatili sa [...]

Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos hinamon ang Aquino Administration

Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos hinamon ang Aquino Administration

Mismong si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos ang naghahamon sa Aquino Administration na muli nitong buhayin ang imbestigasyon sa “Aquino-Galman double murder case.”
Ang paghamon ay inihayag ni Ginang Marcos, apat na araw bago sumapit ang ika-27 anibersaryo ng pagpatay kay dating Senator Ninoy Aquino sa Agosto 21.
Ayon kay Mrs. [...]

Advertisement

Ang alternatibong radyo, Sonshine Radio DZAR 1026™, Dinig sa buong mundo! ©
Is a part of Sonshine Media Network International.