PDEA, PINANINDIGAN ANG EBIDENSYA LABAN SA CHINESE DRUG ADDICT

Nanindigan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na matibay ang kanilang ebidensya laban sa Chinese commercial model na si Marvin Sia, na nahuling tumanggap ng walong kilo ng shabu. Ayon kay PDEA National Capital Region (NCR) Director Pedrito Magsino, mananatili sa kanilang kustodiya si Sia sa kabila ng kautusan ng Quezon City Prosecutor’s Office na pakawalan na ito, dahil umano sa kawalan ng basehan. Ayon kay Magsino, naghain na sila ng mosyon upang mapanatili sa kulungan ang commercial model, at handa silang harapin ang anumang kaso na isasampa nito laban, sa kanila. Magugunutang inaresto si Sia sa Quezon City dahil sa umano'y pagtanggap ng walong kilo ng shabu matapos sundan ng mga awtoridad ang courier na nag-deliver dito ng package.

read more

TERMINAL FEE NG MIAA, DI NA TATAAS – GM

Tiniyak ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA), na hindi na tataas pa sa P550 ang terminal fee sa lahat ng mga paliparan sa bansa. Ayon kay MIAA general manager Jose Angel Honrado, sapat na ang pondo ng ahensya para sa kanilang operasyon. Magugunitang mula sa P750, ibinaba na simula kahapon ang terminal fee dahil tapos na ang limang taong security development program MIAA.

read more

NERIC ACOSTA, PINASUSPINDE

Pina-su-suspinde ng Sandiganbayan si dating Bukidnon representative at ngayo’y presidential adviser on environmental concerns na si Sec.Neric Acosta, matapos maharap sa kasong katiwalian. Ito’y kaugnay sa umano’y maling paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF), na nagkakahalaga ng P2.5 Milyon noong 2001. Napag-alamang 90 araw ang ipinataw na suspensyon ng Sandiganbayan kay Acosta na siyang ring kasalukuyang administrator ng Laguna Lake Development Authority (LLDA).

read more

PROSEC. SA DEPENSA : 5 ARI-ARIAN, PATUNAYAN NYO

Hinamon ng prosekusyon ang defense team na patunayan sa impeachment court, ang alegasyong lima lamang ang pag-aari ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona, mula sa 45 ari-arian na inaakusa laban sa Punong Mahistrado. Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, hindi lamang sila ang nag-isyu ng pahayag hinggil sa mga ari-arian ng Punong Mahistrado. Maging si Corona umano ay naglabas din ng pahayag tatlong araw bago ang paglilitis na lima lamang ang kaniyang properties mula sa 45 nasa listahan ng Land Registration Authority (LRA).

read more

KAMALIAN SA SALN, PWEDE PANG ITAMA – CSC

Mistulang nakahanap ng kakampi si Supreme Court Chief Justice Renato Corona, hinggil sa isyu ng understated SALN nito. Ito’y matapos linawin ni Civil Service Commission (CSC) Francisco Duque na maaari pang itama ang maling deklarasyon sa SALN ng isang opisyal ng pamahalaan, kahit ilang taon na ang nakalilipas. Magugunitang ito mismo ang iginigiit sa impeachment court ni defense elad counsel at dating associate Justice Serafin Cuevas. Ayon kay Duque, kung may batayan ang mga pagkakamali, gaya na lamang ng kalituhan sa ownership, ay wala itong problema sa SALN.

read more

PNOY SA MGA KALABAN – WAG AKONG SUBUKAN

Binalaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga tiwaling opisyal na ayaw maki-ayon sa kanyang isinusulong na tuwid na daan. Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-65 taong anibersaryo ng Development Bank of the Philippines (DBP), sinabi ng pangulo na huwag siyang subukan dahil may limitasyon umano ang kanyang pasensya lalo sa mga haharang sa kanyang ipinatutupad na reporma. Mas maigting pa aniya ang kanyang ang gagawing kampanya para parusahan ang mga nagkasala, sa taong-bayan.

read more