SHOOT TO KILL ORDER LABAN SA MAGKAPTID NA REYES, ISINANTABI

Isinantabi ng Philippine National Police (PNP) ang “shoot to kill” order laban kina dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid nitong si Coron Mayor Mario Reyes, na kapwa suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Dr. Gerry ortega. Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo, wala silang ganitong polisiya laban sa sinumang hinahabol at wanted sa batas.  Sakali aniyang may lumaban sa mga ito ay may sinusunod na police operating procedure ang ground...

read more

PACQUIAO, SINAKLOLOHAN NG ISANG OBISPO

Sinaklolohan ng isang obispo si Sarangani Congressman Manny Pacquiao matapos ulanin ng batikos, dahil sa pagtutol sa “same-sex marriage”. Ayon kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, sumusunod lamang sa utos ng bibliya si Pacquiao kung sinasabing ang pag-aasawa o pagpapakasal ay sagradong pagsasama sa pagitan lamang  ng babae at lalaki at hindi ng magkaparehong kasarian. Nilinaw naman din aniya ni Pacquiao, na hindi ito galit sa pangatlong kasarian kundi sa “same sex marriage”...

read more

1 BRGY SA CEBU, SINALANTA NG IPO-IPO AT PAG-ULAN NG YELO

Isinailalim na sa state of calamity ang isang barangay sa Cebu, matapos manalasa ang ipo-ipo na sinundan ng pag-ulan ng yelo. Napag-alamang nakaranas ng malalakas na pag-ulan at pagkidlat ang mga residente ng sa Brgy. Lamac sa lungsod ng Pinamungajan, bago ang ipo-ipo at pag-ulan ng yelo. Tinatayang nasa 10 katao naman ang nasugatan nang masira ang ilang kabahayan at mga poste sa nasabing lugar na siya ring dahilan ng brown-out. Agad namang nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong...

read more

KRIMENG KINASASANGKUTAN NG MGA MENOR DE EDAD, PUMALO NA NG 5K

Pumalo na sa mahigit 5,000 kasong naitala ng mga otoridad noong 2011, ang  kinasasangkutan ng mga ‘menor de edad’. Ito ay batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP), kung saan talamak sa kabataan ang pagnanakaw, physical injuries at rape. Kaugnay nito, binigyang diin ng Juvenile Justice And Welfare Council, na hindi dapat mapanatag ang mga kabataang gumagawa ng krimen, dahil sa mayroon pa ring haharaping parusa ang mga ito.

read more

DTI AT DOH, SINIMULAN NA ANG INSPECTION DRIVE

Sinimulan ng Department of Education (Deped) at Department of Trade and Industry (DTI), ang kanilang pag-iinspeksyon sa mga pampublikong eskuwelahan at maging sa mga bargain centers, para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 4. Naglibot ang mga tauhan ng DTI sa Divisoria para i-check ang presyo ng school supplies at i-verify ang report hinggil sa nakalalasong kemikal na nasa ibang items. Kabilang naman sa inispeksyon ng Deped sa  Oplan Balik Eskuwela ang Ramon Magsaysay National High School sa Quezon City, sa layuning makita ang mga problemang...

read more

DOH SA PMA, SUPORTAHAN ANG R-H BILL

Umapela ng suporta ang Department Of Health sa Philippine Medical Association, para sa Reproductive Heath Bill o RH bill. Aminado si Health Sec. Enrique Ona, na hindi suportado ng maraming miyembro ng PMA ang nasabing panukala subalit mahalaga aniya ito, lalo na sa mga mahihirap. Tiniyak ni Ona na di pipigilan ng panukalang batas ang populasyon ng bansa, dahil ang tanging layunin lamang nito ay mabigyan ng laya ang mga nanay na magpasya kaugnay sa...

read more