Chairman Jesus Dureza mananatili pa sa pwesto

Tuesday, 17 August 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Mananatili pa sa pwesto si Mindanao Development Authority (MINDA) Chairman Jesus Dureza at tatapusin nito ang anim na taong mandato alinsunod sa republic act no. 9996.

Una nang inihayag ni Dureza na handa itong magbitiw sa posisyon upang bigyang-laya si Pangulong Noynoy Aquino III ng magiging kapalit niya sa posisyon.

Pero nagdesisyon si Dureza na manatili sa puwesto kasunod ng Executive Order no. 2 na nagsasabing “valid” at hindi “midnight appointment” ang kanyang pagkakatalaga sa pwesto.

Si Dureza ay una nang naging presidential spokesman at “GRP Peace Panel” sa ilalim ng dating Administrasyong Arroyo.

More News: