Binago muli ng Commission on Elections ang petsa sa pagpapatala ng mga botante para sa Barangay Elections sa Oktubre 25.
Mula sa dating Agosto 1 hanggang 10 ay gagawin ang registration sa Agosto 4 hanggang 13, habang mananatili naman ang registration period para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Agosto 6 hanggang 15.
Kinakailangang i-reset ang registration period para sa Barangay Elections upang mabigyan ng sapat na panahon na makapagsanay ang mga field personnel ng comelec sa paggamit ng Data Capturing Machines (Dcms), na ginagamit sa registration process.
Ang registration ay isasagawa sa City o Municipal Election Office, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-siyete ng gabi, maging araw ng Sabado at Linggo.
