DAGDAG PASAHE
Wednesday, 23 June 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.
Igigiit pa rin umano ng grupong piston ang malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Ito ang idineklara ni piston secretary-general george san mateo sa harap ng aniya’y hindi makatuwirang “Oil Price Hikes” na ipinatutupad ng mga kumpanya ng langis.
Ayon kay San Mateo, hindi sila magsusulong ng dagdag-pasahe sa kabila ng patuloy na oil price hikes dahil lalo lang aniya itong magiging dagdag na pasanin ng taongbayan.
Ang tanging solusyon aniya rito ay ang pagbasura sa Oil Deregulation Law na nagbigay umano ng kapangyarihan sa mga oil companies na magtaas ng presyo ng produktong petrolyo anumang oras gustuhin ng mga ito.
Pormal nang itinakda ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na linggo ang pagdinig sa hirit na dagdag-pasahe ng ilang transport groups.
Ayon kay LTFRB Chairperson Jimmy Pesigan, ang nasabing “Fare Hike Petitions” ay inihain ng pitong transport groups.
Partikular nitong binanggit ang grupong “1-UTAK” na humihiling ng dagdag na singkwenta sentimos sa kasalukuyang minimum na pasahe, at karagdaragan pang 40 sentimos sa bawat susunod na kilometro ng byahe.
Ayon kay 1-UTAK Vice Chairman Mar Gavida, hindi na maiiwasan ang dagdag-psahe sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
- » PINOY BOXER, PUMANAW NA
- » PAGBUBULGAR NG 45 ARI-ARIAN NI CORONA, ITINANGGI NG LRA
- » ERAP, KINAMPIHAN SI CGMA
- » TV STATION AT TAÑADA, INUPAKAN NG DEPENSA
- » SHOOT-TO-KILL ORDER, LABAN KAY PALPARAN, IBINASURA
- » ROLLBACK SA LANGIS, WAG ASAHAN
- » PDEA, PINANINDIGAN ANG EBIDENSYA LABAN SA CHINESE DRUG ADDICT
- » TERMINAL FEE NG MIAA, DI NA TATAAS - GM
- » NERIC ACOSTA, PINASUSPINDE
- » PROSEC. SA DEPENSA : 5 ARI-ARIAN, PATUNAYAN NYO
Recently Commented