Dalawang Bangladeshi kinatigan ng Court of Appeals sa Dubai

Thursday, 29 July 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Kinatigan ng court of appeals sa dubai ang hatol na sampung taong pagkakabilanggo laban sa dalawang bangladeshi bunsod ng pagdukot sa dalawang pinay para isadlak sa prostitusyon.

Kaugnay nito, sinang-ayunan din ng korte sa pangunguna ni Judge Ahmed Mohammed Eissa ang deportation order laban sa dalawang Bangladeshi defendant.

Nauna ng hinatulan ng Court of First Instance ang dalawa ng sampung-taong pagkakakulong matapos mapatunayang nagkasala sa krimen.

Ipinag-utos din ang pagpapatapon sa dalawang Bangladeshi palabas ng U-A-E.

More News: