Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos hinamon ang Aquino Administration

Tuesday, 17 August 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Mismong si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos ang naghahamon sa Aquino Administration na muli nitong buhayin ang imbestigasyon sa “Aquino-Galman double murder case.”

Ang paghamon ay inihayag ni Ginang Marcos, apat na araw bago sumapit ang ika-27 anibersaryo ng pagpatay kay dating Senator Ninoy Aquino sa Agosto 21.

Ayon kay Mrs. Marcos, makabubuting ituloy ang paghahanap ng katotohanan sa ginawang pagpaslang kina “Ninoy” at Rolando Galman.

Sa paraang ito aniya ay magkakaroon din ng pagkakataon ang pamilyang Marcos na linisin ang kanilang pangalan na matagal na ring iniuugnay sa nasabing krimen.

More News: