KAMALIAN SA SALN, PWEDE PANG ITAMA – CSC

Friday, 3 February 2012 - Posted by dzar in Mga Balita.

Mistulang nakahanap ng kakampi si Supreme Court Chief Justice Renato Corona, hinggil sa isyu ng understated SALN nito.
Ito’y matapos linawin ni Civil Service Commission (CSC) Francisco Duque na maaari pang itama ang maling deklarasyon sa SALN ng isang opisyal ng pamahalaan, kahit ilang taon na ang nakalilipas.
Magugunitang ito mismo ang iginigiit sa impeachment court ni defense elad counsel at dating associate Justice Serafin Cuevas.
Ayon kay Duque, kung may batayan ang mga pagkakamali, gaya na lamang ng kalituhan sa ownership, ay wala itong problema sa SALN.
More News:

Leave a Reply

*

Spam Protection by WP-SpamFree