Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) busisiin ang sobrang laking bunos ng mga board member ng ahensiya

Thursday, 29 July 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Nakatakdang busisiin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang umano’y sobrang laking bonus ng mga board member ng ahensiya.

Sinabi ni MWSS Head Macra Cruz, na pag-uusapan ng mga opisyales ng MWSS sa araw na ito ang tungkol sa bonuses matapos puntiryahin ang ahensiya ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang State Of The Nation Address (SONA).

Idinagdag pa ni Cruz na ikukumpara rin niya sa MWSS bonuses ang natatanggap na bonus ng mga empleyado ng ibang government agencies at Government-Owned And Controlled Corporations (GOCCS).

Gayunpaman, nilinaw ni Cruz na ang bonuses ay hindi anomalya dahil ito ay naaprubahan ng mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan.

More News: