Muling nagpatupad ng panibagong dagdag—presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis sa pangunguna ng big three.
Pawang nagdagdag ang Chevron at Petron ng 50 sentimos kada litro sa kanilang regular gasoline, diesel at kerosene at 25 sentimos naman kada litro sa premium gasoline.
Gayundin ang independent oil player na Seaoil na nagpatupad din ng kahalintulad na dagdag presyo.
Ayon kay Chevron Communications Manager Toby Nebrida, ang panibagong dagdag presyo ay dulot pa rin ng pagtaas ng presyo ng krudo sa world market.
