Oil tanker pinasabog ng mga Pirata na may mga kasamang 16 na tripulanteng Pinoy habang naglalayag sa karagatan ng Oman

Thursday, 29 July 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Isang oil tanker na may sakay na 31 crew kabilang na ang 16 na tripulanteng pinoy ang pinasabog ng mga pirata habang naglalayag sa karagatan ng Oman.

Ayon sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs, nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga tripulanteng Pinoy at kasamahang 15 Indian crew nang atakehin ang sinasakyang oil tanker na M. Star.

Ang nasabing barko na may kargang 270,204 tonelada ng langis ay patungo sa Chiba Port sa Tokyo nang maganap ang insidente.

Bagama’t napinsala, nabatid na wala namang naganap na pagtagas sa kargang langis ng barko.

More News: