DA, ABALA PARA SA SUMMER SEASON
Puspusan ngayon ang paghahanda ng Department of Agriculture (DA) para sa nalalapit na buwan ng taniman ngayong summer sa iba’t-ibanng rehiyon sa bansa. Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, kasalukuyan na silang nagpapatayo ng mga irrigation system at irrigation canal, maging ng mga farm to market road, imbakan ng mga agriculture product at pamilihan. Ang nasabing programa ay hakbang ng gobyerno bilang tulong sa mga magsasaka upang hindi mabulok at mapadali ang pagbebenta ng kanilang mga ani. Tiniyak din ni Alcala na sapat ang kanilang pondo para sa mga proyektong pang-agrikultura ngayong taon.
read moreLIBRO KAUGNAY SA 1986 EDSA REVOLUTION, BABAGUHIN
Balak ngayon ng People Power Commission (PPC) na repasuhin ang mga nasusulat sa libro na may kaugnayan sa naging kaganapan noong 1986 EDSA revolution. Ito’y bilang bahagi ng ika-26 taong paggunita sa diwa ng Edsa People Power sa Pebrero 25. Kaugnay nito, inihayag ni PPC Chief of Staff Celso Santiago, bubuo sila ng isang technical working group na susuri at mag-aaral sa mga librong nasusulat upang maitama o kaya’y madagdagan ang lumabas na mga detalye tungkol sa Edsa People Power. Ang nasabing grupo ay kinabibilangan hindi lamang umano ng mga historian at manunulat ng libro, kundi maging mismong mga personalidad na naging bahagi ng rebolusyon noong 1986.
read more44 TINDAHAN SA NEGROS ORIENTAL, HULI SA PANANAMANTALA
Umabot sa 44 tindahan ang nahuli ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananamantala sa sitwasyon sa Guihulngan, La Libertad at iba pang lugar sa Negros Oriental. Ayon kay DTI Regional Director Aster Kaberte, binalaan na nila ang mga nahuling negosyante na tatanggalan ng mga lisensya sakaling umulit pa ang mga ito. Ito ang nakarating sa tanggapan ng DTI ang ulat na sunod-sunod ang nangyayaring pagtataas sa presyo ng mga prime at basic commodities sa nasabing lugar dahil sa nangyaring lindol.
read moreKAMARA, PINASARINGAN NINA ESTRADA AT SOTTO
Pinasaringan ng ilang senator-judges ang Kamara de Representantes matapos aprubahan ng mga ito ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano Del Castillo. Ayon kina Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada at Sen. Tito Sotto, bakit hindi na lamang i-impeach ng mga kongresista ang lahat ng mga mahistrado at iba pang impeachable officials para ito na lamang ang kanilang gagawing trabaho. Gayunman, tiniyak ng dalawang senador na nakahanda pa rin silang gampanan ang kanilang tungkulin bilang impeachment court judges. Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Sen. Joker Arroyo sa impeachment case laban kay De Castillo, dahil tiyak umanong maapektuhan na ang kanilang mga legislative work na kasalukuyan nang nadadamay sa Corona impeachment trial.
read moreE-JEEPNEY, SAGOT SA PROBLEM SA OIL PRICE HIKE
Binigayng-diin ni DOTC Sec. Mar Roxas na nag E-Jeepney ay isa lamang sa ginagawang pagbabago ng gobyerno para makaagapay ang publiko sa walang humpay na pagtaas sa presyo ng langis. Ito’y matapos tutulan ng mga transport sector ang pagbibigay ng prankisa ng gobyerno sa mga E-jeepney na bumayahe. Ipinaliwanag ng kalihim na kung hindi babaguhin ang mga makina ay hindi makakausad ang mga transport sector sa pasaning dala ng oil price hike.
read more
About Us
Thursday, 15 April 2010 - Posted by admin in .
About DZAR 1026 Sonshine RadioSonshine Radio addresses the basic concerns of everyday life. It’s goal is to serve the Filipino people with direct public services.
Sonshine Radio’s veteran and professional anchors carry live on-air discussions on a wide range of topics from news and current affairs to health care, employment, housing and the consumer market to the latest sport news. Plus the Word of God brought to you by the revolutionary preacher, Pastor Apollo C. Quiboloy.
read more
Contact Us
Thursday, 25 November 2010 - Posted by admin in .
For more information, please contact us.For more information, please contact: Sales and Marketing Department +63(2) 453-0531 and +63(2) 683-0772, Telefax: +63(2) 683-0775 and 453-0589
read more