Paghahanap sa dinukot na “Filipino-Chinese Businessman” sa Cotabato City pinaigting

Tuesday, 17 August 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Pinaigting ng “task force tugis” ng militar at pulisya sa Cotabato City ang paghahanap sa dinukot na “Filipino-Chinese Businessman” sa nasabing lungsod.

Ang biktima ay nakilalang si Nelson Tay, may-ari ng isang tindahan ng “foam” sa bahagi ng Don Rufino Alonzo Street sa nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon, dinukot ng dalawang kalalakihan ang negosyante at sapilitang isinakay sa isang “get-away vehicle.”

Aminado ang mga otoridad na hindi pa rin nila natutukoy ang grupong nasa likod ng pagdukot sa nasabing negosyante.

More News: