Pagiging Chairman ng Ethics Committee pinaubaya sa miyembro ng Oposisyon

Posted by dzar on Jul 29th, 2010 and filed under Mga Balita. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. Both comments and pings are currently closed.

Ipinaubaya ni house Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte sa miyembro ng oposisyon ang pagiging Chairman ng Ethics Committee.

Ayon kay Belmonte, may 80 porsiyento nang napupunuan ng chairman ang mga komite sa kongreso at maaari na itong makumpleto sa susunod na linggo.

Malaki ang posibilidad na si Siquijor Rep. Orlando Fua ng LAKAS-KAMPI-CMD ang maging chairman ng ethics committee.

Kung saan ang unang hahawakang kaso nito ay ang kaso ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson na ngayon ay nakakulong sa Hong Kong dahil sa kasong droga.

Ang alternatibong radyo, Sonshine Radio DZAR 1026™, Dinig sa buong mundo! ©
Is a part of Sonshine Media Network International.