Pamamahagi sa mga mahihirap ng mga sobra-sobrang bigas na nasa NFA pinaboran ni Senador Jose “Jinggoy” Estrada

Thursday, 29 July 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Pabor si Senador Jose “Jinggoy” Estrada na ipamigay na sa mga mahihirap ang mga sobra-sobrang bigas na nasa National Food Authority (NFA) upang hindi mabulok.

Naniniwala si Estrada na marami ang makikinabang sa mga sinasabing sobrang bigas na ang iba ay nabubulok na.

Iginiit pa ni Estrada na dapat nang magbuo ng programa ang gobyerno kung paano ipamamahagi ang bigas lalo na sa mga pinakamahihirap na probinsiya ng bansa.

Hindi aniya ilegal kung ipapamahagi ang bigas sa mga mahihirap dahil nabili na naman ito ng gobyerno at pera ng pamahalaan ang ginastos dito.

Idinagdag pa ni Estrada na dapat tanungin din ang dating hepe ng NFA kaugnay sa sinasabing sobrang importasyon ng bigas.

More News: