Pitong katao ang nasawi habang isa naman ang kritikal matapos makuryente

Tuesday, 17 August 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Pitong katao ang nasawi habang isa naman ang kritikal matapos silang makuryente habang gumagawa ng “septic tank” o poso negro sa Sorsogon City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Benito Jintalan, Arnel Janaban, Gilbert Janaban, Leopoldo Roldan, Neptali Roldan,  Jose Macapagal, at Ronald Macapagal.

Ang insidente ay naganap sa Sitio Kimontod, Barangay Guinlajon, sa nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon, sumayad sa tubig ang kawad ng ilaw na ginagamit ng mga biktima na nagresulta sa kanilang pagkaka-kuryente.

More News: