Senador Antonio Trillanes IV malabo pang makalaya

Thursday, 29 July 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Malabo pang makalaya si Senador Antonio Trillanes IV na nahaharap sa kasong kudeta dahil sa bigong pagpapabagsak sa Administrasyong Arroyo.

Ito ang ipinahiwatig  ni AFP Spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta kasunod ng pagpapalaya kay Marine Col. Ariel Querubin sa detention cell nito sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Ipinunto ni Mabanta na non-bailable ang kasong kinakaharap ni Trillanes sa Makati RTC at mas mabigat ang pagkakasalang nagawa nito na isang kasong kriminal.

Isa si Trillanes sa mga hardcore na lider ng Magdalo Group na nasangkot sa pagsakop sa Oakwood Mutiny  at Manila Peninsula Siege sa Makati City noong 2007.

More News: