Senador Miriam Defensor-Santiago absent pa rin sa regular na sesyon ng 15th Congress

Thursday, 29 July 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Absent pa rin si Senador Miriam Defensor-Santiago sa ikatlong araw ng regular na sesyon ng 15th Congress.

Ito’y sa dahilang may sakit pa rin si Santiago at pinayuhan na ng kaniyang mga doktor na mag-ingat upang hindi lumubha ang kaniyang karamdaman.

Sa sulat na ipinadala ni Santiago kay Senate President Juan Ponce Enrile, sinabi nito na hindi pa niya sigurado kung kailan makakadalo ng sesyon at hihintayin pa ang susunod na medical advice.

Lumalabas aniya na ang kaniyang nararanasang chronic fatigue ay posibleng may kaugnayan sa isang hereditary heart condition o sakit sa puso

More News: