SUSUNOD NA LABAN NI PACMAN HINAHANAP PA

Friday, 27 January 2012 - Posted by dzar in Mga Balita.

Pa-plantsahin ng Canadian adviser ni 8-division world champion Manny Pacquiao na si Michael Koncz ang susunod na laban nito.
 
Nakatakda na umanong magtungo si Koncz sa Pilipinas ngayong weekend kaugnay sa usaping ito.
 
Inamin naman ni Top Rank Promoter Bob Arum na sila ay nagkukumahog nang makahanap ng makakalaban ang pinoy champ matapos kinumpirmang malabo ang face off nito kay Mayweather at rematch laban kay Cotto.
 
Sa ngayon, nangunguna sa listahan ng promoter si WBA light welterweight champion Timothy Bradley sa mga makakalaban ni Pacman.
More News:

Leave a Reply

*

Spam Protection by WP-SpamFree