AFP, NAGPALIWANAG SA PAGPAPALAKAS NILA NG PUWERSA

Nagpaliwanag ang Armed Forces of the Philippines sa pagpapalakas nila ng puwersa. Ayon kay AFP –PIO Chief Colonel Arnulfo Burgos, bahagi lang ng kanilang mandato na protektahan ang mamamayang Pilipino. Inamin ni Burgos na darating sa bansa ang Hamilton Class Cutter, isang patrol vessel na binili ng Pilipinas mula sa US Coast Guard. Mabilis daw ang naturang barko at makakatulong sa pagpapatrulya sa ating karagatan. Nilinaw din ni Burgos na matagal ng plano ng AFP na bumili ng mga makabagong armas bilang bahagi ng...

read more

MAS MARAMING CORALS AT KABIBE, NAKUMPISKA SA ZAMBOANGA

Nakumpiska ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mas marami pang corals at kabibe sa Zamboanga City. Ang mga corals at kabibe ay narekober sa isinagawang raid ng BFAR sa isang bodega sa Brgy. San Roque ng naturang lungsod. Unan ang sinalakay ng BFAR, Dept of Environment and Natural Resources at Philippine National Police ang naturang lugar , subali’t bulilyaso ang una nilang lakad. Ayon kay BFAR Director Asis Perez, nakakagulat isipin na mas marami pang corals at kabibe ang nakatago sa ilang bodega sa lungsod. Pag-aari raw ng Li...

read more

UNANG ARAW NG KLASE, MAPAYAPA PA

Mapayapa ang unang araw ng pasok ng mga estudyante sa kasalukuyan. Tinaya ng Dept. of Education na aabot sa 25.7 Milyong estudyante sa Luzon, Visayas at Mindanao ang papasok ngayong araw. Mahigit din sa 138,000 pulis ang nagbabantay sa pagbabalik-eskuwela ng mga estudyante sa mga pribado at pampublikong paaralan. Katuwang din ng pulisya sa pagbabantay sa mga estudyante ang Armed Forces of the Philippines o AFP. Layunin daw nitong matiyak na maayos at mapayapa ang pagbubukas ng klase sa araw na ito.  

read more

2 BAYAN AT ISANG LUNGSOD SA BATANGAS, MAY FISHKILL

Nagkaroon din ng fishkill ang dalawang bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Batangas. Kabilang dito ang bayan ng Mataas na Kahoy, Cuenca at Lipa City . Umaabot daw sa 20 metric tons ng bangus at tilapia ang biktima ng fishkill. Namatay din daw ang mga iba pang isda tulad ng biya, pauto, apta, katang, siliaw at muang. Gayunman, nilinaw ni Ganitte Segismundo, Provincial Information Officer ng Batangas na hindi naman apektado ng fishkill ang dalawang fishcage na may bangus at tilapia sa bayan ng Cuenca. Naibaon na daw sa lupa ang mga namatay na...

read more

SENADOR SANTIAGO, KAKAUSAPIN NI PINOY SA ISYU NG ARMM ELECTION

Kakausapin ni Pangulong Aquino si Senador Miriam Defensor-Santiago ngayong hapon. Ala 1:30 ng hapon, tatalakayin ng Pangulo at ni santiago ang isyu ng pagpapaliban sa eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Magugunitang tutol si Santiago sa panukalang ipagpaliban ang ARMM Election dahil labag daw ito sa konstitusyon. Handa naman daw ang Palasyo na suportahan ang mga kandidato ng ARMM kapag ibinasura ng Senado ang naturang panukala.  

read more