PRES AL-ASSAD ITINANGGING SIYA ANG NASA LIKOD NG KARAHASAN SA SYRIA
Iginiit ni Syrian President Bashar Al-Assad na hindi siya responsable sa pagkamatay ng mga raliyesta sa kanyang bansa. Ayon kay Assad, inosente siya sa sinasabing pwersa niya ang nasa likod ng nagpapatuloy na crackdown operation sa nasabing bansa. Naninindigan ang pangulo ng Syria na ang nangyaring karahasan ay hindi kagagawan ng kanyang pwersa kundi ng mga terorista. Samantala, pinabalik na ng Amerika at France ang mga ambassador nila sa nabanggit na bansa para subuking maibalik muli ang kapayapaan doon.
read moreRELASYON NG PAKISTAN AT AMERIKA UMAASIM
Umiigting pa rin ang galit ng Pakistan sa Amerika matapos ang nangyaring panibagong airstrike ng nato sa Pakistan-Afghan border na ikinamatay ng 24 na Pakistani soldiers. Sinabi ni Pakistani Prime Minister Yusuf Raza Gilani na hindi na “business as usual” ang relasyon nila sa US na siyang namumuno sa NATO forces sa kampanya kontra insurhensiya sa Afghanistan. Dahil sa nato airstrike, binantaan ng Pakistan ang Amerika na puputulin ang pakikipagtulungan nito laban sa terorismo. Kasunod ng naturang insidente, nagpulong kaagad ang...
read moreMILITARY GOVERNMENT HINDI TANGGAP NG MGA EGYPTIANS
Minadali na ng military council sa Egypt ang pagsagawa ng halalan dahil sa nangyayaring kaguluhan sa nasabing bansa bunsod ng malawakang kilos protesta. Ayon sa caretaker government, sa darating na Lunes ay tuloy ang parliamentary elections. Kaugnay nito, itinakda na ang halalan sa naturang bansa sa hunyo taong 2012 habang ang Egyptian cabinet ay nag-resign na. Hindi tinangggap ang inilatag na military council ng nag-aaklas na Egyptians, bagkus ay nanawagan ang mga ito na bumaba agad sa katungkulan ang military government at ibigay sa...
read moreLIBU-LIBONG BABOY RAMO PAPATAYIN NG MEXICO
Plano ngayon ng Mexico na patayin ang halos 50,000 na mga baboy-ramo na tumawid sa border nila mula sa Estados Unidos. Ayon sa Ministry of Environment sa Estado ng chihuahua, ang nasabing baboy-ramo na galing sa Presidio County sa Texas ay malaking banta sa kanilang agriculture sector kung saan 1,500 ektarya na ng taniman sa ojinaga ang sinalanta ng mga ito. Inihayag ng opisyal na si Ignacio Legarreta na ang mga baboy-ramo ay natutulog sa lupain ng Amerika ngunit sa Mexico nanginginain. Kaugnay nito, plano ng Mexico na gumamit ng mga...
read more600 KATAO NA ANG NASASAWI SA PATULOY NA PAGBAHA SA THAILAND
Umabot sa higit 600 katao ang nasawi sa pinakamalalang pagbaha sa kasaysayan ng Thailand. Ayon sa Thai Government, ang pagbaha sa nasabing bansa ay nagtagal ng 4 na buwan at karamihan sa namatay ay pagkalunod. Sa kasalukuyan ay binabaha na ang halos 50 sa kabuuang 77 lalawigan ng Thailand. Gayunpaman, unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ng iba pang lalawigan at sinimulan na rin ang clean-up operation.
read more
Recently Commented