PAGLULUWAS NG MGA PRODUKTO SA COTABATO, MAPAPABILIS
Mapapabilis na ang pagluluwas ng mga produkto mula sa South Cotabato kung saan tatagal na lamang ng dalawampung minuto ang byahe sa Buluan-Pandag-Paglat-Gsk Pendatun Road. Ang naturang kalsada ay may habang 15.3 kilometro at ngayo’y isa nang two-lane-all-weather road. Nabatid na naisakatuparan ang nasabing proyekto sa tulong ng pondong ibinigay ng Estados Unidos sa pamahalaang panlalawigan ng...
read moreCAAP KALIBO, PLANONG MAGTAAS NG TERMINAL FEE
Ikinasa na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang public hearing at consultation sa Mayo 23 at 24 kaugnay sa plano nitong pagtataas ng terminal fee mula P40 hanggang P200. Ayon kay Engr. Percy Malonesio, CAAP Kalibo manager, kailangan nilang magtaas ng terminal fee sa domestic flights upang makakalap ng pondo para sa improvements at maintenance ng Kalibo International Airport (KIA). Sa kasalukuyan, sumisingil ng P40 terminal fee ang KIA sa domestic flights sa loob ng tatlong taon at ngayon pa lamang magpapatupad ng...
read morePRESYO NG PINOY PANDESAL, NAG-ROLLBACK
Nagpatupad ng P1.00 rollback ang grupo ng mga malalaking panaderya sa presyo ng pinoy pandesal. Dahil dito, P23 na lamang ngayon ang isang supot na may 10-pirasong pinoy pandesal mula sa dating presyong P24. Matatandaang noong Pebrero, bumaba rin ng piso ang presyo ng kada supot ng pinoy pandesal, bunsod na rin ng pagbaba ng presyo ng harina sa pandaigdigang pamilihan.
read moreDTI AT FDA, NAGSANIB-PUWERSA
Sanib-pwersa ngayon ang Department of Trade and Industry at Food and Drugs Administration, sa pag-monitor ng mga school supplies na nagtataglay ng mataas na lead content sa merkado. Ayon kay FDA spokesman Atty. Ronald de Veyra, pinaghatian nila ng DTI ang pagre-regulate ng mga school supplies. Kung saan hahawakan ng FDA ang mga krayola, lapis at ballpen habang hawak naman ng DTI ang mga baunan, backpak, kapote, plastic envelope at plastic folder. Isang kampanya rin aniya ang kanilang ginagawa upang iparating sa mga mamimili na tangkilikin...
read moreEXPORT INDUSTRY SA PILIPINAS, TUMAAS SA UNANG QUARTER NG TAON
Umangat ng 4.6% ang Philippine Export sa unang quarter ng taon. Base sa National Statistics Office (NSO), tumaas ng hanggang $12,856 billion ang Philippine Merchandise Export mula sa $12,286 billion. Ayon kay NSO Administrator Carmelita Ericta, nangunguna pa rin ang electronics sa export industry. Samantala, sa parehong quarter noong nakaraang taon ay bahagyang bumaba ang March export ng 1.2%.
read more
Recently Commented