BASCO BATANES, NILINDOL

Nilindol ng magnitude 4.9 ang karagatan ng Basco, Batanes, kaninang 12:15 ng hatinggabi. Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, may lalim ang lindol na 29- kilometro, kung saan ay wala namang naiulat na nasaktan o napinsala sa naturang pagyanig. Tiniyak rin ni Solidum na walang banta ng tsunami sa naturang...

read more

MGA RESIDENTE NG OLD BALARA, NAGKUSANG LOOB NA MAG-DEMOLISH

Nagkusang loob na lamang ang mga residente ng Barangay Old Balara, Quezon City na gibain ang kanilang mga bahay, kasunod sa naganap na matensyong demolisyon doon. Kaugnay nito, inamin ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na walang relokasyong nakalaan para sa mga residente na apektado ng demolisyon. Aniya, hindi kaya ng may-ari ng lupa na bigyan ng relokasyon ang mga apektadong residente, ngunit nag-alok naman ito ng financial...

read more

WAGE HIKE SA CENTRAL VISAYAS, INAPRUBAHAN NA

Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang 20-pesos wage hike para sa mga manggagawa sa Central Visayas. Ibig sabihin nito, 305 pesos na kada araw ang rate ng mga Metro Cebu workers, mula sa dating 285 pesos lamang. Nilinaw naman ni Region 7 DOLE Director  Exequiel Sarcauga, na ang naturang wage hike ay para lamang sa mga minimum wage...

read more

MGA MAMBABATAS, SINISI SA PAGKAKABASURA NG SC SA PANUKALANG GAWING LUNGSOD ANG 16 NA BAYAN

Sinisi ni Alaminos, Pangasinan Mayor Nani Braganza ang kongreso sa pagkakabasura ng korte supprema sa panukalang gawing lungsod ang 16 na munisipyo sa bansa. Sa panayam ng Sonshine Radyo, sinabi ni Braganza na Secretary General ng League of Cities of the Philippines, na hindi dapat ipinasa ng kongreso ang naturang panukala kung mali ito sa paningin ng mga mahistrado. Magugunitang dalawang beses ibinasura ng korte suprema ang panukalang gawing lungsod ang 16 na munisipyo, ngunit dalawang beses din itong g...

read more

BAGONG MODUS NG MGA CARNAPPER , NADISKUBRE

Nanawagan ang pamunuan ng PNP –National Capital Region Police Office sa publiko na mag-ingat sa bagong modus ng mga carnapper. Ayon kay PNP-NCRPO Chief General Nicanor Bartolome, modus ngayon ng mga carnapper na nakawin ang mga taxi. Katunayan , tatlong taxi na sa Quezon City ang nasikwat ng mga carnapper. Nadiskubre rin ni Bartolome na may grupo sa San Juan na target ang mga driver ng kotse. Nakaalerto na raw ang Anti-Carnapping Unit sa Metro Manila para hulihin ang mga kawatan ng...

read more