INUKIT NA PANGALAN SA LIKOD NG ISANG PAGONG NATAGPUAN AFTER 85 YRS
Hindi sinasadyang natagpuan ng isang 85-anyos na lalaki ang pagong kung saan inukit niya sa likod nito ang inisyal na pangalan ng kanyang anak, apatnapu’t pitong taon na ang nakalilipas. Habang naglalakad si Holland Cokeley ay nagulat siya nang makita niya sa likod ng pagong ang inisyal na pangalan ng kanyang anak na “JC” at ang “1965.” Agad namang kinunan ni Cokeley ng picture ang nasabing pagong at in-upload sa computer at sinend sa kanyang anak na si Jeff Cokeley. Base sa pahayag ng mga eksperto, nabubuhay nang hanggang 100 taon...
read moreURANGUTANS, MARUNONG GUMAMIT NG IPAD
Tampok sa Jungle Island sa Miami ang kambal na orangutans na nalilibang sa paggamit ng I-Pad. Ang nasabing orangutans ay gumuguhit, naglalaro, at pinapalawak pa ng mga ito ang kanilang bokabularyo gamit ang ipad. Pinababayaan ang mga orangutans na gumamit ng ipad para makipag-usap kung saan parte na rin ng mental stimulus program. Ayon sa nangangasiwa ng programa na si Linda Jacobs, layon nitong makatulong ang I-Pad na matanggal ang gap sa pagitan ng mga tao at ng endangered apes.
read morePROM DRESS, GAWA NG PINAGBALATAN NG KENDI SA MICHIGAN
Nagsuot ang isang teenager sa Northern Michigan ng Prom dress na gawa sa mga pinagbalatan ng kendi. Ayon kay Diane McNease, naisip niya ang ganoong ideya nang makita niya ang kanyang kaibigan na nagtutupi ng pinagbalatan ng kendi. Umabot sa 18,000 pinagbalatan ng Starbust upang makompleto ang gown ni McNease na tinernuhan pa niya ng hair band at coin purse. Nabatid na limang buwan ang ginugol bago matapos ang naturang gown sa tulong na rin ng mga kaibigan at pamilya ni McNease.
read moreWAITER NA IDINEKALRANG PATAY, MULING NABUHAY
Nauwi sa isang selebrasyon ang burol ng isang waiter matapos bumangon mula sa kanyang pagkamatay, sa Southern Egypt. Una rito, idineklara ng mga doktor na patay na si Hamdi Hafez Al-Nubi makaraang inatake ito sa puso habang nagtatrabaho. Labis na nagdalamhati ang mga kamag-anak ni Al-Nubi sa kanyang pagkamatay. Sa katunayan, pipirmahan na sana ng doktor ang death certificate nang matuklasan nitong mainit pa ang katawan ni Al-Nubi at buhay pa pala ito. Dahil dito, hinimatay ang ina ng nasabing waiter nang marinig ang naturang balita. Magkasabay...
read moreISANG LALAKI, NAGING KUMADRONA NG SARILING ASAWA
Nagsilang ng sanggol ang isang ginang sa parking lot ng City Hall sa Pocatello, Idaho. Ayon kay Camille Gilbert, tinawag niya ang kanyang asawang si Tyler nang makadama na ito ng sobrang sakit sa kanyang tiyan. Subalit hindi na nagawa ni Tyler na itakbo pa sa ospital ang asawa dahil nagsimula nang lumabas ang ulo ng bata. Kung kaya, mismong si Tyler na ang nagpa-anak sa kanyang asawa at labis naman ang kasiyahan nito nang lumabas na ang kanilang baby girl. Pinangalanan ng mag-asawang Gilbert ang kanilang anak na Oakley Gilbert.
read more
Recently Commented