PACMAN, WALANG INATRASANG LABAN – ASSISTANT TRAINER

Pinabulaanan ng kampo ni Manny Pacquiao ang pahayag ni undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. na ang People’s Champ ang umatras sa laban. Ayon sa assistant trainer ni Pacquiao na si Buboy Fernandez, walang inaatrasan na anumang laban ang kampo ni Pacman dahil ito na ang kanilang karera. Ang naturang pahayag ni Fernandez ay kasunod ng sinabi ni Mayweather na tumanggi ang Pinoy ring icon na sumailalim sa random drug test at ito ay hindi pumayag sa 50-50 na hatian sa kikitain sa...

read more

MAGULO ANG ISIPAN NI PACMAN KAYA MALAKAS ANG LOOB NIYA – BRADLEY

Buo ang paniniwala ni Light Welterweight Champ Timothy Bradley na distracted ang utak ni 8-Division World Champion Manny Pacquiao. Ayon kay Bradley, gumugulo sa isip ng Pinoy Champ ang retirement plans at dami pa ng mga pinagtutuunan nito ng atensyon. Ipinagmamalaki pa ng American Boxer na nasa kanya ang lakas ng loob upang lumaban bagama’t aminadong dehado ito. Gaganapin sa Hunyo 9 ang Pacquiao-Bradley Fight sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

read more

MAYWEATHER, TULOY ANG PATUTSADA VS. JEREMY LIN

Pinanindigan ni American Undefeated Boxer Floyd Mayweather Jr. Ang kanyang patutsada laban kay Asian-American Basketball Sensation Jeremy Lin. Kaugnay ito sa naging unang pahayag ni Mayweather na kaya mainit ang atensyon ng media kay Lin ay dahil sa isang itong Asyano. Umalma naman ang boksingero sa bansag sa kanya bilang racist. Inihayag pa ni Mayweather na marami rin siyang mga kaibigang Mexican, Dominican, Jew, Puerto Rican, at mga “white people.”

read more

FREDDIE ROACH TINAWAG NA “LA CUCARACHA”

Iniluklok ngayon si trainer Freddie Roach ng International Boxing bilang “La Cucaracha”, isang prestigious title  sa boxing world. Para kay Roach, isang karangalan na mapabilang sa nasabing pagkilala kasama ang mentor at dating trainer na si Eddie Futch. Nabatid na si Roach ay may 50 professional boxing fights, 40 ang panalo habang 13 naman ang talo. Magmula nang hawakan ni Roach si Pacman, nakatanggap na ito ng kabi-kabilang parangal kabilang na ang limang beses na Trainer of the Year sa Boxing Writers Association of America.

read more

LABAN NINA PACMAN AT MAYWEATHER SA 2012 MALAMANG MATULOY-ARUM

Nagpahayag na ng interest ang ilang mga investors para pondohan ang nilulutong malaking laban sa pagitan nina 8-division world champion Manny Pacquiao at undefeated Floyd Mayweather Jr.  Aminado si Bob Arum na ang usapin sa pera ang malaking balakid sa ginagawang pagsusumikap na matuloy ang laban, sa taong 2012.  Sinabi rin ni Arum na may nakikita na silang pag-asa sa negosasyon matapos ang pakikipagpulong nito kasama ang business adviser ni Pacman na si Michael Koncz sa kampo ni Mayweather sa Las  Vegas.  Nabatid na ilang US bankers mula...

read more