INDUSTRIYA NG BANGUS, SISIGLA NA NAMAN

May magandang balita ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa mga mangigisda partikular sa mga nakapaligid sa lawa ng Taal, sa lalawigan ng Batangas. Nakatakda kasi silang magsaboy ng binhi sa naturang lawa, sa September 9, kung saan tinatayang nasa 1,000 mangingisda ang makikinabang, na maging daan din upang muling sumigla ang bangus industry, sa naturang lalawigan. Ayon kay bfar Dir. Asis Perez, pangangasiwaan ni D-A Sec. Proseso Alcala at ng lokal na pamahalaan na nakakasakop sa lawa ng Taal ang pagsasaboy ng may isang...

read more

PILIPINAS, PANGATLO SA PINAKA-OPTIMISTIC PAGADATING SA NEGOSYO

Pumangatlo ang bansang Pilipinas na may positibong pananaw ang mga negosyante na lalago ang kanilang negosyo. Ito ay batay na rin sa Annual Business  Report ng consultancy company na Grant Thomson, kung saan nakapagtala ng 87% na Business Optimism ang Pilipinas. Kaugnay nito ay tumaas din ang confidence level ng business leader na 68%. Gayunpaman, sinasabi naman ang 7.3% growth rate sa Gross Domestic Product (GDP) noong 2010 ang dahilan umano kung bakit mataas ang business optimism ngayong taon. Samantala, nakapagtala naman ng 95% ang Chile...

read more

MGA BANANA CHIP EXPORTER, NAGBANTANG MALULUGI

Nagbanta ang mga Banana Chip Producers at Exporters na malulugi ang kanilang negosyo kapag hindi nirolbak ng gobyerno ang presyo ng Coconut Oil dahil sa lumalaking gastusin. Ayon kay Ruben See, Pangulo ng Manufacturers and Exporters of Banana Chips Association of the Philippines,  dapat aksiyunan ng gobyerno ang kanilang kahilingan dahil tumaas ng 60% ang production cost ng banana chips . Iginiit ni See na nagkakahalaga na ngayon ng $2,000 per metric tons ang presyo ng Coconut Oil na nagpataas sa kanilang gastusin . Ang mga banana chips na...

read more

CONTINGENCY PLANS PARA SA PRESYO NG LANGIS, PINAHAHANDA NA NI P-NOY

Nagbigay na ng deriktiba si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, sa Department of Energy (DOE) na maghanda na ng “contingency plan” kaugnay sa supply at presyo ng langis sa bansa. Pinangangambahan kasing magkakaroon ng kakapusan ng supply na magiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, bunsod na rin ng nagaganap na kaguluhan sa gitnang silangan. Hinigpitan na rin n DOE, ang kanilang pagbabantay sa imbentaryo ng mga “oil companies” at “gas stations” para maiwasan ang pagsasamantala sa sitwasyon. Sa kabila nito,...

read more

LOKAL NA MERKADO, APEKTADO SA NAGANAP NA TENSYON SA GINTNANG SILANGAN

Apektado sa nagaganap na tensyon sa Gitnang Silangan, ang kalakaran ng lokal na merkado. Nagtala ng 13.80 points na pagkalugi ang Philippine Stock Exchange (PSE) Index, sa unang araw ng trading. Samantala, lumobo naman ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado sa gitna pa rin ng naturang mga kaguluhan. Tumaas ng 2.50 dolyar kada bariles ang presyo ng “brent crude”, kung saan, ito ang pinakamataas na record, sa nakalipas na dalawang taon. Ayon sa mga analyst, ang mga reaksyong ito sa merkado ay dulot ng pangamba ng mga investors, sa...

read more