MIAMI HEAT INILAMPASO NG INDIANA PACERS, 94-75

Pinangunahan nina Roy Hibbert at George Hill ang second-straight win ng Indiana Pacers kontra Miami Heat sa iskor na 94-75. Nagtala ng 19 points at 18 rebounds si Hibbert habang nakagawa ng 20 points si Hill para sa Pacers. Sa Miami naman, mayroong 25 points, 6 rebounds at 5 assists si Mario Chalmers.  Ang kakulangan ng star player ng Heat ay sinamantala ng Pacers upang matiyak ang 2-1 lead sa Eastern Conference Semifinals.  Nabatid na hawak pa rin ng Indiana ang homecourt advantage sa game 4 ng kanilang best-of-seven-series sa darating na...

read more

MAYWEATHER PABOR SA SAME SEX MARRIAGE, PACMAN KINUNTRA

Pabor si undefeated American Boxer Floyd Mayweather Jr. sa same-sex marriage makaraang naiulat na tumututol dito si People’s Champ Manny Pacquiao. Ayon kay Mayweather sa isang social networking site, todo suporta siya sa kontrobersyal na same-sex marriage. Una rito, umani ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizen si Pacman matapos magpahayag na siya ay tutol sa same-sex marriage. Iginiit naman ni Pacquiao na sa kabila ng kanyang pagtutol sa naturang panukala ay wala naman siyang galit sa mga bakla.

read more

BOSTON NANALO SA PHILADELPHIA NG ONE POINT

Tinalo ng Philadelphia 76ers ang Boston Celtics sa iskor na 82-81. Sa game 2 ng second-round Eastern Conference series, nakatabla ang 76ers kontra Celtics at ang go-ahead layup ni Evan Turner sa natitirang 40.4 seconds ng laro ang nagbigay panalo sa koponan. Humakot ng 10 points at 6 rebounds si Turner habang ang Sixers guard na si Jrue Holiday ay nagtala ng 18 points. Sa panig naman ng Celtics, mayroong 15 points at 12 rebounds si Kevin Garnett.

read more

TARGET NA MAKAKALABAN NI VILROIA, INIHAYAG NA

Inihayag ng kampo ni Brian Viloria na mayroon na silang target na susunod na makakaharap ng tinaguriang “The Hawaiian Punch” matapos ang matagumpay nitong pagdepensa sa kanyang WBO flyweight title. Ayon sa American manager ni Viloria na si Gary Gittelsohn, posibleng si Hernan Marquez ng Mexico o Roman Gonzalez ng Nicaragua ang makakalaban ng kanyang alaga. Target pa ni Gittelsohn ang unification battle nina Viloria at Marquez sa 112 pound division kung sakaling kukunin ng HBO ang laban ni Viloria. Matatandaang pinabagsak ng tatlong beses...

read more

ATLANTA HAWKS, INILAMPASO NG BOSTON CELTICS SA GAME 6

Pasok na sa second round ng Playoff series ang Boston Celtics matapos tambakan nito ang Atlanta Hawks sa iskor na 83-80. Sa game 6 showdown, pinangunahan ni Kevin Garnett ang koponan kung saan nagtala ito ng 28 points at 14 rebounds habang humakot naman ng 18 points at 7 assists si Paul Pierce. Sa Atlanta naman, gumawa ng 19 points at 9 rebounds si Josh Smith habang mayroong 15 points at 9 rebounds si Al Horford. Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang Atlanta ay hindi naka-abante sa Playoffs sa loob ng apat na...

read more