PALAWAN, VISAYAS AT MINDANAO, MAULAN

Makakaranas ngayon ng pag-ulan ang lalawigan ng Palawan. Ito’y matapos mamataan ng PAGASA ang Low Pressure Area sa Puerto Princesa City. Ang lpa ay huling namataan ng PAGASA sa 110 kilometro timog-silangan ng Puerto Princesa City. Ito ay nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone na makakaapekto rin sa Visayas at Mindanao. Ang Metro Manila ay magiging maulap ang kalangitan na may pag-ulan lalo na sa hapon o gabi. Ang temperatura sa araw na ito ay nasa 25 hanggang 34 degrees celsius.  

read more