PRESYO NG TINAPAY, TATAAS BUKAS

Magsisimula ng tataas ang presyo ng tinapay bukas. Dalawang piso ang itataas sa loaf bread habang piso naman kada sampung piraso ng pandesal. Ayon kay Ric Pinca , Executive Director ng Philippine Association of Flour Millers , tumaas ng walumpung piso ang isang sako ng harina kaya kailangan nilang magtaas ng presyo ng tinapay. Magugunita noong nakalipas na buwan , tumaas ng dalawang piso ang presyo ng pinoy tasty.

read more