MAALIWALAS NA PANAHON, MAAASAHAN NG NORTHERN LUZON

Asahan ang maaliwalas na panahon sa Luzon, ngayong araw. Ayon sa PAGASA , nalusaw na ang Low Pressure Area na naging sanhi ng pag-ulan sa Northern Luzon region. Humina ang nasabing namumuong sama ng panahon dahil sa buntot ng cold front na umiiral din sa nasabing lugar. Patuloy namang makakaranas ng manaka-nakang pag-ulan ang bahagi ng Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone.

read more

MALAKAS NA ULAN, ASAHAN NGAYONG WEEKEND

Asahan ang malakas na pag-ulan nitong weekend. Ito ang inilabas na babala ng Joint Typhoon Warning Center. Lumabas sa monitoring ng JTWC na papalapit sa Pilipinas ang makapal na cloud formation o tropical wave na may dalang malaking volume ng tubig. Gayunman, nilinaw ng JTWC na wala itong dalang hangin kaya walang magaganap na bagyo. Apektado raw ng malakas na ulan ang silangang bahagi ng bansa.  

read more

2 BAGYO, POSIBLENG TUMAMA SA BANSA SA SUSUNOD NA LINGGO

Inihayag ni DOST Usec. Graciano Yumul na posibleng dalawang bagyo pa ang tumama sa bansa sa susunod na linggo. Ayon kay Yumul, malaki ang posibilidad na ma-develop na Low Pressure Area (LPA) ang mga kaulapan sa Silangang Mindanao na aakyat patungong Visayas at Mindanao. Sinabi rin nito na kung walang magiging pagbabago ay magkakaroon ng bagyo sa linggo na didikit sa Samar-Bicol Region ng Lunes at tatawaging bagyong “Juaning”. Posible ring maging bagyo ang katabi nitong LPA sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga na tatawagin namang...

read more

BAGYONG FALCON, NANATILI SA LUZON

Nanatili pa rin sa silangang bahagi ng Luzon ang Bagyong Falcon. Ang bagyo ay huling namataan ng pagasa sa layong 250 kilometro hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugso ng hangin na 80 kilometro kada oras. Ito ay kumikilos ng pakanluran  hilagang kanluran sa bilis na 19 na kilometro kada oras. Signal number 1 sa Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Isabela , Cagayan , Calayan Group of Island, Babuyan Group of Island at Batanes Group of...

read more

BAGYONG FALCON, NAPANATILI ANG LAKAS

Napanatili ng Bagyong Falcon ang kanyang lakas habang nanatili sa lalawigan ng Samar. Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 550 kilometro silangan –hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar. Ito ay inaasahang kikilos ng hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras. Ang buong bansa ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan na magiging malawakan sa bahagi ng Visayas. Ang temperatura sa araw na ito ay nasa 25 hanggang 30 degrees celsius.  

read more