Walang isyung pulitikal

Tuesday, 17 August 2010 - Posted by dzar in Mga Balita.

Wala umanong isyu ng pulitika sa ginawang pagsibak kay “AFP National Capital Region Command (NCRCOM) Chief Rear Admiral Feliciano Angue.”

Ito ang iginiit ni AFP Chief of Staff Gen. Ricardo David kaugnay ng naging pagbatikos ni Angue matapos siyang ilipat ng pwesto mula sa NCRCOM patungo sa Naval Forces Western Mindanao Command.

Ayon kay David, hindi totoo ang sinasabi ni Angue na demosyon ang ginawang paglipat dito sa pwesto.

Sa kabila nito ay tiniyak ni David na iimbestigahan nila ang mga hinaing ni Angue.

More News: